MAYSILO ESTATE SCAM- WARNING TO THE PUBLIC

Screenshot from 2015-02-16 09:29:17_v1

20150215_114951-1

It seems that the April 19, 1917 Maysilo Estate group are at it again. And now they just invaded a property using armed men. Please check this WARNING TO THE PUBLIC published in the Philippine Star on the following dates: February 15, 16 & 17, 2015. Be warned not to transact with these land-grabbers.

Please read this excellent article: http://news.google.com/newspapers?nid=2479&dat=20030205&id=LlU1AAAAIBAJ&sjid=fCUMAAAAIBAJ&pg=2760,2166636

The said property is rightfully co-owned and previously (before the land-grabbing) occupied by CHUA TEE & Company and General Metal Container Corporation of the Philippines.

This is the first time this property had been invaded after all these decades. So what does this mean?

The invaders woke-up one morning and realized that they owned the property?

The invaders woke-up one morning and found a title to the property?

You be the judge.

Pekeng titulo ipinababasura ng residente ng Maysilo Estate sa Korte Suprema

Pekeng titulo ipinababasura ng residente ng Maysilo Estate sa Korte Suprema By: Jess V. Antiporda

MAHIGIT 300,000 residente ng 1,660-ektaryang Maysilo Estate na nakatakdang mawalan ng tirahan at kabuhayan kung hindi ibabasura ng Korte Suprema ang titulo ng mga naiwan ni Maria dela Concepcion Vidal at ng CLT Realty Development Corp.

Hiniling nila kay Chief Justice Reynato Puno na rebyuhin at rekonsiderahin ang naunang desisyon at tignan ang mga butas ng OCT 994 na may petsang Abril  19, 1917.

Hiningi nila kay Puno na rebyuhin sana ng mabuti ang kaso at tignan ang findings ng senado sa pamamagitan ng Committee Report No. 1031 noong Mayo 25,1998 at ibasura ang titulo ni Vidal at ng substituted heirs na pinamumunuan ni Bartolome Rivera.

Sinabi nila na dapat konsiderahin ng Mataas na Hukuman nag kaso dahil nakataya ang kinabukasan ng mahigit 300,000 katao at bilyung piso ang mawawala mula sa mga buyers in good faith, kabilang na ang pagsasara ng De la Salle-Gregorio Araneta University, Manila Central University, University of the East sa Caloocan at ilang bilang ng pribado at pampublikong paaralan.

Karamihan sa mga ari-arian na ito ay nagkakahalaga na ngayon ng bilyung piso kung saan nabili naman ito “in good faith”.

Halos 64 na barangay sa Caloocan ang bumubuo ng ikatlong bahagi ng Maysilo Estate kung saan nasasakupan nito ang bahagi ng Quezon City, Caloocan, Malabon at ang kahabaan ng North Luzon Expressway, kabilang na ang Bonifacio Monument, Bonifacio Market at daan-daang business establishments, tulad ng restaurant, motel, internet cafes, handicraft manufacturers, pabrika ng tela at damit, bodega at iba pa.

Naging batayan ng mga residente sa kanilang argumento sa pagbasura ng OCT 994 mula sa findings ng dalawang Senate panel na nagsasabing ang tumatayong heirs Vidal ay hindi puwedeng maging substitute nya dahil ang principal heir na si Bartolome Rivera, ay 65 anyos na nang tumestigo ito noong 1963 sa kaso.

Nakasaad pa sa annotations sa titutlo na si Vidal ay siyam na taong gulang nang gawin ang decree para sa 1 -899/1,000 share ng property at ginawa noong 1912. Lumalabas na si Bartolome Rivera ay mas matanda ng limang taon sa kinikilala niyang lola.

Lumalabas din na ang anak ni Vidal na nagkataon na ama ni Rivera ay mas matanda naman sa sarili niyang ina.